Ilang hotels sa Albay nanatiling sarado dahil sa mababang bilang ng mga turista

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng City Tourism ng lungsod ng Legazpi na nananatili pa rin sarado ang ilang mga Hotels sa lungsod dahil sa hindi pa naman nagdadagsaan ang mga foreign at local tourists.

Ito ang inihayag ni Cristina Agapita Pacres ng nasabing opisina sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Pacres, hindi lahat ng hotels sa lungsod ay bukas na.

May mga iilan pa rin ay temporary closure o hindi pa nag-ooperate dahil sa restriction na ipinatutupad kontra sa covid 19.

May mga owners na rin ang nagtatanong sa kanilang ahensya para sa pagmomonitor ng mga turista kung gaano karami na ang dumarating sa lungsod.

Ito rin kasi ang magiging batayan nila upang buksan muli ang kanilang Hotels kung dinadagsa na ng local at foreign tourist dahil sa maaari umano kulangin ng matutuluyan ang turista.

Sa ngayon kasi sa mga nananatiling bukas na Hotel ay namimigay muna sila ng mga Promo’s sa mga turista upang makabawe simula ng pumasok ang covid 19 na naging dahilan ng kanilang pagkalugi.

Naniniwala ang opisyal, bubukas ulit ang mga nagsarang hotels sa oras na makabalik na sa normal na pamumuhay o lumuwag na ang restriction sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *