Ilang jeep na bumibiyahe sa coastal barangay ng Mercedes hindi umano sumusunod sa health protocols

MERCEDES CAMARINES NORTE- Nakunan ng litrato ng netizen ang isang pumapasadang jeep na bumibiyaheng Daet- Pambuhan at ilan pang coastal Barangay ng Mercedes na hindi sumusunod sa health protocols.

Makikita sa litrato na kuha noong Martes na siksikan ang mga pasahero at mayroon ding  hindi nakasuot ng face mask at face shield.

Kwento ng nagpadala ng litrato sa Brigada News FM Daet na ganito raw ang scenario araw- araw sa mga biyaheng Pambuhan na hindi nasusunod ang 50 % capacity.

Paggaling Daet umano ay maayos pa pero pagdating  sa may crossing ng bayan ng Basud ay panay na raw ang pasakay ng pasahero at hindi sinusunod ang health protocols.

May mga pagkakataon din umanong namimilosopo pa ang mga driver at sinasabing wala naman daw COVID.

Hindi naman aniya masasabing kulang sa biyahe dahil magkakasunod naman ang pila ng Jeep na bumibiyahe sa naturang ruta hanggang alas 5 ng hapon.

Ang binabayaran din umanong pamasahe ay para sa 50 % capacity na doble ng regular fee kaya’t hindi makatuwiran na ikompromiso ang kalusugan ng mga pasahero dahil sa hindi pagsunod sa health protocols.

Bago kasi magkaroon ng pandemic ay P35 ang pamasahe pero ngayon ay P70 na.

Umaasa ang nagpadala ng litrato na maaksyunan ito ng mga kinauukulan para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *