Ilang kabahayan sa Cagayan – lubog na sa tubig-baha

Lubog na sa tubig-baha ang ilang kabahayan sa probinsya ng Cagayan matapos umapaw ang tubig sa mga ilog dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng Bagyong Egay.

Partikular na binaha ang Zone 7, Barangay Simbaluca at Simpatuyo sa bayan bg Sta Teresita, Cagayan.

Nanlumo naman ang isang mangingisda sa Sta. Ana matapos masira ang kaniyang bangka na ginaagamit sa pangingisda.

Ito ay matapos madaganan ng mga natumbang puno dahil sa nararanasang lakas ng hangin at ulan sa lugar.

Patuloy naman ang paalala ng PDRRMO Cagayan at Isabela sa mga motorista na huwag nang tangkaing dumaan pa sa mga tulay kung saan umapaw ang tubig upang maiwasan ang anumang untoward incident.

Samantala, ilang kalsada naman sa Cordillera Administrative Region ang pansamantalang hindi madaanan dahil sa dahil sa pagguho ng lupa at nakaharang na mga natumbang kahoy sa daan. | via 92.9 BNFM CAUAYAN CITY – ANGELIE DRIZ
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *