Ilang kapulisan sa Batangas, nilipat ng destino kaugnay sa BSKE

Nagsagawa ng balasahan sa hanay ng mga kapulisan ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) bilang paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Ayon kay BPPO Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte, layunin nitong masiguro ang pantay at ligtas na BSKE sa lalawigan.

Sa kabuuan anya ay nasa 5 porsyento ng kapulisan ng Batangas ay inilipat ng assignment para maiwasan ang conflict of interest.

Sa pamamagitan umano nito ay masisigurong hindi maiimpluwensyahan ng kapulisan ang resulta ng halalan sa kanilang lugar na nasasakupan.

Layunin din nito na mabalanse ang bilang ng mga kapulisan na magbibigay ng serbisyo sa araw ng eleksyon.

Batay sa direktiba ng The Directorate for Personnel and Records Management Division noong Hunyo 7, 2023, ang lahat na mga kapulisan na may kamag-anak hanggang Fourth Degree of Consaguinity and Affinity na tatakbo sa darating na halalan ay dapat mapalipat ng destino sa ibang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *