Ilang lugar isinailalim sa signal no. 1 dahil sa bagyong ‘Maymay’

Tuluyan nang naging ganap na bagyo ang dating Low Pressure Area na huling namataan sa 310 km Silangan ng Casiguran, Aurora.

Tinawag ito bilang Bagyong Maymay na may maximum sustained winds na papalo sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h.

Kumikilos ito Pakanluran sa bilis na 10 km/h.

Dahil dito itinaas na sa signal no. 1 ang mga probinsiya sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, at extreme northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang ang Pollilo Islands.

May isang bagyo pa ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Hulit itong namataan sa 1,730 km silangan ng Eastern Visayas taglay ang maximum sustained winds na aabot sa  45 km/h at pagbugsong papalo hanggang 55 km/h.

Kapag makapasok ng bansa tatawagin itong bagyong Neneng.

Ang Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Batanes, Cagayan, at Isabela ay makakaranas ng Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa TD Maymay at shearline.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *