Ilang lugar sa Albay, nagsuspinde na ng klase dahil sa pag-ulang dulot ng Low Pressure Area

NAGDEKLARA na ng suspension sa lahat ng antas mapapribado at pampublikong paaralan ang ilang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay kaugnay ng pag-uulang dala ng Low pressure Area.

Kasama sa mga bayan na maaga ng nagpalabas ng advisory ang Sto. Domingo, Camalig, Daraga, Guinobatan at Pioduran.

READ MORE:

Inabisuhan na rin ang mga barangay na magbantay sa posibleng maitalang landslide at pagbabaha.

Samantalang ang Provincial Disater Risk Reduction and Management Office o PDRRMC ay nagpalabas na rin ng abiso kaugnay ng ibinabang order ng Philippine Coast Guard na no sailing policy o pagbabawal sa paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat.

Maging ang pagtawid sa mga ilog ay ipinagbabawal na rin.

Naka-standby naman ang mga tauhan ng Office of the Civil Defense sa kalagayan ng panahon.

Bukas, aasahan umano na mas mararanasan ang pag uulan kung sakaling maging ganap ng bagyo ang low pressure area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *