Local News

Ilang lugar sa bayan ng Capalonga isinailalim sa granular lockdown dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID- 19

CAPALONGA, CAMARINES NORTE- Isinailalim sa granular lockdown ang ilang lugar sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID- 19.

Batay sa Executive Order ni Mayor Luz Ricasio, epektibo nitong Miyerkules ay ipinatupad ang granular lockdown sa  Purok 1, 2 at 3 sa Barangay Mataque at Purok 5 naman sa Barangay Poblacion.

Ayon sa Alkalde, mahigpit na ipatutupad sa mga residente ng mga nabanggit na Purok at Barangay ang pagbabawal na lumabas sa kani- kanilang lugar.

Pinag- iingat rin ang lahat ng mga residente hindi lang ng mga apektadong lugar kundi ang lahat ng mga taga Capalonga.

Sa ilalim ng umiiral na panuntunan ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) lamang ang pinapayagang lumabas ng bahay sa mga lugar na apektado ng lockdown susog sa patakaran ng Inter- Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases.

Nauna nang sinabi ni Governor Edgardo Tallado na walang ipapatupad na provincewide lockdown bagkus ang susundin lamang ay ang zoning containment strategy .

Matatandaan na noong Lunes ay nagkaroon ng walong bagong positibong kaso ng sakit sa naturang bayan.

Anim dito ay mula sa Brgy. Mataque habang ang dalawa ay nagmula sa Poblacion at San Roque.

Liban pa ito sa mga naunang kaso noong nagdaang mga araw.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

12 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

12 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago