Ilang magulang sa Tigaon, Camarines Sur, takot pang paturukan ang mga anak ng measles, rubella at oral polio vaccine

NAGA CITY – Hindi pa 100% tanggap ng mga magulang sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur na paturukan o bigyan ng Measles , Rubella  at Oral Polio Vaccine ang kanilang mga anak.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Carl Nori Llaguno, Emergency Medical Technicians, Registered Nurse ng Tigaon Rural Health Unit.

Bukod kasi sa maaaring lagnatin , takot pa ang ilang magulang dahil sa nangyaring bakunahan noon ng dengvaxia at COVID vaccine, kaya naman nag-aalinlangan ang mga ito. Patuloy naman na hinihikayat ng mga health personnel at ipinapa-alam na maliban sa subok na panlaban o pang-iwas sa mga naturang sakit na nabangit, ligtas rin ito at walang dapat na ipangamba ang mga magulang.

Gayunpaman nauunawaan at hindi pinipilit ng mga health workers kung ayaw pa ng mga magulang. Pero may iba namang sila na mismo ang lumalapit upang mabigyan ng bakuna ang anak.

Samantala, nasa 35% o 2, 405 nang mga bata ang nabigyan na ng Measles,  Rubella at Oral Polio Vaccine sa mahigit 5, 000 target ng RHU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *