ILANG MAMAMAYAN NG BROOKE’S POINT, NAGSAGAWA NG KILOS-PROTESTA LABAN SA ISANG MINAHAN – SB COLILI

Dinaan umano sa kilos-protesta o rally ng ilang mamamayan sa Bayan ng Brooke’s Point ang pagkadismaya sa patuloy na pag-operate ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa kabila na walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Sangguniang Bayan Victoriano Colili, umaalma ang ilang mga residente sa animo’y hindi makatwiran na pagpapatupad ng batas dahil kapag sila walang permit sa maliliit na negosyo ay hindi pinapayagan mag-operate at ipinapasara habang ang minahan naman ay patuloy sa operasyon sa kabila na paso na ang Mayor’ Permit.

“Sabi nga ng mga mamamayan natin sa Brooke’s Point, “bakit kami, kahit topdown lang na tricycle hinuhuli nyo [at] hindi pinapayagan makapagbyahe kapag walang Mayor’s Permit at walang plaka at kaming mga maliliit na nagtitinda sa tabuan, hindi lang makapag-renew ng Mayor’s Permit ay nilalagyan ninyo ng temporary closed…bakit itong Ipilan Nickel Corporation sa kabila na wala silang renewed Mayor’s Permit ay patuloy ang kanilang operation?” saad ni SB Victoriano Colili.

Dagdag pa ng opisyal, ang LGU Brooke’s Point ay sumulat na sa Ipilan Nickel Corporation na humihiling na huminto muna habang hindi pa nakakakuha ng bagong permit. Subalit hanggang ngayon umano ay hindi ito pinapansin ng minahan.

Dahil rito ay naniniwala umano ang taong bayan na nilalapastangan ng kompanya ang ipinapatupad na batas partikular na ang lokal na pamahalaan, kaya nagsagawa ang mga ito ng kilos-protesta ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *