Ilang mamamayan sa Camarines Sur, hindi interesado sa pagpaparehistro sa National I.D

NAGA CITY – Ilang mamamayan sa probinsya ng Camarines Sur, hindi interesadong magparehistro ng National ID.

Sa naging panayam kasi ng Brigada News FM Naga kay Raul Aspe, Officer in Charge at Public Information Officer ng Philippine Statistic Authority o PSA Camarines Sur, sinabi nitong sila na mismo ang lumalapit upang hikayating magparehistro, hanggang ngayon kasi marami parin ang hindi nakapagpaparehisto at hindi tinatangkilik. Sa mahigit 1.70 milyong mga taong target, mahigit 1.19 milyon pa lang ang nagparehistro sa buong lalawigan.

Bagamat bukas sila maging sa Regional Office at patuloy na nakikipagtulungan sa ibang ahensya, sa mga Lokal na Gobyerno, may mga Mobile Registration pa at nagbabara-barangay na rin, ilan pa ring mga mamamayan ang hindi talaga pumupunta para magparehistro, bukod kasi sa nakakain ang kanilang oras, nanghihinayang rin sa mga pamasahe at matagal dumating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *