Ilang mambabatas, hiniling sa mga concerned agencies na ganap na ipatupad ang The Centenarians Act of 2016

Hiniling ng ilang mambabatas sa mga concerned agencies na ganap na ipatupad ang Republic Act (RA) 10868 na kilala bilang The Centenarians Act of 2016 na nagbibigay ng centenarian gift na nagkakahalaga ng PHP100,000 sa mga matatandang umabot sa 100 taong gulang.

Nabuksan ang kahilingan sa isinagawang public hearing ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development sa pangunguna ni Senator Imee Marcos nang pag-usapan ang mga panukala nina Senator Ramon Revilla Jr. at Senate Majority Leader Aquilino Pimentel III.

Ang mga panukala nina Revilla at Pimentel ay naglalayong amyendahan ang RA 10868 para makapagbigay din ng PHP10,000 cash incentive para sa mga matatandang nasa edad 80 hanggang 90 taong gulang.

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development na sa 2,465 centenarians, 1,692 ang napagsilbihan ng ahensya noong 2022 at maaaring makapagsilbi pa sa 755 ngayong taon.

Ipinunto ni Marcos na dapat maabot ng gobyerno ang mga centenarian na hindi pa nakakatanggap ng kanilang mga insentibo.

Sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat matugunan ang problema sa pamamahagi ng mga benepisyo sa pamamagitan ng pagpapagaan ng mga requirements nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *