Kinondena ng ilang mambabatas ang pag-aresto sa ilang aktibista, matapos ang serye ng mga raid na inilunsad ng mga pulis sa Bicol noong Linggo.
Ayon kay Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite, naging biktima lamang sila ng red-tagging.
Kabilang sa mga naarestong aktibista sa Bicol, ay sina Anakbayan member Maria Jesusa Sta. Rosa, at Bayan-Bicol secretary-general Pastor Dan Balucio
Ipinunto ni Gaite na mula nang magsimula ang crackdown ng administrasyon laban sa mga makakaliwang grupo, ay lagi na naging maingat ang mga aktibista mula sa pangamba ng pagsalakay sa kanilang bahay, pag-aresto at pag-atake.
Iginiit ng kongresista na kabaliwan ang pagtatago ng ilegal na armas at bomba sa bahay ng mga aktibista dahil hindi naman anya nila kailangan na gawin ito.
Samantala, kinondena rin ng human rights group na Karapatan ang pag-aresto habang nanawagan naman ang National Council of Churches in the Philippines para sa pagpapalaya kay Balucio.
BNFM Bicol—NADAGDAGAN na ang kursong pwedeng pag-aralan sa Catanduanes State University (CATSU), sa islang probinsya…
Umabot sa mahigit dalawang daan ang hired on the spot sa isinagawang job fair sa…
GIPAHAYAG sa labaw sa komitiba sa transportasyon nga si Kagawad Dominador Lagare Jr. nga plano…
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…