Ilang mambabatas, pinatitiyak sa PNP na solido ang kaso vs self-confessed gunman sa Lapid slay case

Pinatitiyak ng ilang mga mambabatas sa Philippine National Police na dapat itong magkaroon ng solidong kaso laban sa self-confessed gunman na si Joel Estorial at sa iba pang mga personalidad na idinawit nito sa pamamaslang kay Percy Lapid.

Ayon kay Deputy Minority Leader Rep. Bernadette Herrera-Dy, dapat ay masigurong matibay ang mga ebidensya para sa conviction ng mga responsable sa krimen.

Ayaw niya raw mauwi sa case dismissal ang insidente nang dahil lamang sa butas sa teknikalidad.

Umaasa naman ang mambabatas na mabibigyan pa rin ng sapat na karapatan ang suspek kabilang na ang karampatang legal counsel at pagkakataong madepensahan ang sarili.

Pinuri naman ni House Speaker Martin Romualdez ang development sa kaso.

Aniya, ang pag-protekta sa mga mamamahayag ay isang mahalagang hakbang sa nation-building.

Matatandaaang mula sa P6.5Million na reward para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek – P5Million ang nagmula sa mga miyembro ng Kamara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *