Ilang mambabatas: taasan ang kompensasyon sa mga biktima ng unjust imprisonment

Isinusulong ng ilang mga mambabatas mula sa House of the Representatives na amyendahan ang 31 taong gulang na batas para mapataas ang kompensasyon para sa mga biktima ng heinous crimes at para sa mga ‘wrongfully detained’.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice on Wednesday, sinabi ni Quezon City 4th district Representative Marvin Rillo na ang monetary awards at kompensasyon ay kailangang ma-review para matukoy kung sapat pa ba ito sa kasalukuyang halaga ng cost of living at loss of income ng isang tao.

Tinutukoy ni Rillo ang pag-amyenda sa Republic Act No. 7309, na naging batas noong 1992, na nagbigay daan para sa pagkabuo ng Board of Claims (BOC) sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) para mabigyan ng kompensasyon ang mga biktima ng unjust imprisonment o detention ng hanggang P1,000 kada buwan.

Kaugnay nito, maari rin umano magbigay ang BOC ng hanggang P10,000 o ang halaga na kinakailangan para ma-reimburse ang claimant sa mga nagastos para sa hospitalization, medical treatment, loss of wage, loss of support, o iba pang gastos na direktang may kinalaman sa injury, alinman dito ang mababa.

Sa pamamagitan ng inihaing House Bill 5029, target ng mambabatas na mapataas ang kompensasyon mula sa P1,000 sa P5,000 kada buwan at tataasan ang annual funding at alokasyon para sa Victims Compensation Fund.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *