Ilang mambabatas, tinawag na wake up call para sa gobyerno ang mga itinayong community pantries sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

Binigyang diin ng ilang mambabatas na ang pagsulputan ng mga community pantries sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay dapat magsilbing wake up call sa gobyerno.

Para kay Bayan Muna party-list Representative Carlos Isagani Zarate, ang pag-set up ng community pantries ay isang pagpapakita ng resistance laban sa pagbabalewala ng gobyerno at pagkakaiba-iba sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Giit ni Zarate, nagpapakita ang community pantries kung papaanu nabigo ang gobyerno sa kanilang obligasyon na tulungan ang milyon-milyong mahihirap na maka-survive sa krisis, sa kabila ng mga available resources.

Para naman kay Senate President Vicente Sotto III, ang community pantry ay maikokonsiderang “Bayanihan spirit of the Filipino in modern times, ” habang sa panig naman ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, sinabi nitong nag-oorganisa ang mga tao para maka-survive ang kanilang mga sarili.

Kung si Senator Grace Poe naman ang tatanungin, sinabi nito na ang pag-set up ng community pantries ay sensyales na hindi pa nawawala ang lahat ng pag-asa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *