Ilang manggagawa sa Camarines Sur, nagpapasalamat pero nakukulangan sa idadagdag sa arawang sahod

NAGA CITY-  Magandang balita pero kulang pa ayon sa ilang manggagawa ang dagdag sahod sa Bicol Region.

Sa update na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Bicol nakasaad na magiging PhP365 na ang minimum wage sa rehiyon subalit ibibigay itong by tranches. Sa Order No. RBV-20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board V, PhP35 ang mauuna kung kailan ang effectivity ng wage order habang ang  PhP20 ay sa December 1,  2022.

Para sa surveyor ng lupa sa Magarao Camarines Sur na si “Leo” hindi buong pangalan, ipinagpapasalamat niya ito lalo na’t nasa minimum wage lamang siya subalit kulang na ito sa mahal ng mga bilihin at gasolina, kulang man mabuti na rin at may nadagdag.

Sinabi naman ng security guard sa Pili na si “Calo” na malaking tulong ito para sa kanilang pamilya, maliit man ang abante mula sa provincial rate makakadagdag pa rin sa budget.

Ang wage order ay isusumite pa sa National Wages and Productivity Commission para sa review bago ang 15 days publication at implementasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.