Ilang mangingisda sa Albay, pabor sa resolusyong isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan

Pinaburan ng ilang mangingisda sa Brgy. Puro, Legazpi City, Albay ang resolusyong makapagbigay tulong sa mga mangingisda at mga pamilyang apektado sa tuwing nagkakaroon ng gale warning na isinusulong ni Kinatawan Atty. Melissa Abadeza-Armedilla ang Committee Chairman of Laws, Rules and Oversight ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay.

Sa pahayag ni Rolando Del Mundo, 44 anyos, may asawa, at  isang mangingisda na kung sakali man na maipasa ang resolusyong ito ay malaking kagaanan ito sa kanila lalo may pamilya rin s’yang binubuhay at may mga anak na nag-aaral.

Sinabi pa niya na sa tuwing nagkakaroon ng gale warning ay lubha silang naaapektohan lalo’t nitong nakaraan na mahigit kumulang isang buwan ang pag-ulan kaya wala rin sila magagawa kun’di sumunod na lamang. Ngunit, ang ikinababahala lang nila ay ang epektong dulot nito sa kanilang pamilya.  

Sa ngayon, hinihiling din ng ilang mga mangingisda na maaprobahan na ito para din mabigyan na ring tugon ang matagal na nilang dinadaing na problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *