Ilang mga barangay sa Basud binaha dahil sa malalakas na pag ulan na maghapong naranasan kahapon

CAMARINES NORTE- Binaha ang ilang mga Barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte dahil sa malalakas na pag ulan na naranasan kahapon ng maghapon.

Batay sa inisyal na ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office umapaw ang tubig baha sa ilang kalsada at spillway dahilan para hindi ito madaanan.

Sa Barangay Binatagan hindi passable ang spillway simula alas tres ng hapon kahapon dahil sa pag apaw ng tubig mula sa Guinatungan river.

Hindi rin passable simula alas 9 ng umaga kahapon ang spillway ng Pamulyutan creek at Potot creek sa Barangay Caayunan.

Sa Barangay Angas naman ay umapaw ang tubig mula sa irrigation pero passable ang daan.

Nawalan naman ng suplay ng tubig sa mga Barangay ng Mocong, Poblacion 1 at Poblacion 2.

Paliwanag ng Primewater na ang naranasang pagkawala ng tubig sa Daet South, Basud at Mercedes ay dahil sa pagtigil ng operasyon ng Dagotdotan Filtration Facility (DFF) sanhi ng malabong tubig ng Mampurog River  na dulot ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Humingi ng pang unawa ang Primewater dahil sa kaabalahang dulot ng pagkawala ng tubig.

Wala namang naiulat na evacuees habang nagpapatuloy pa ang assessment sa pinsalang idinulot ng baha sa agrikultura.

Ayon naman sa Pagasa, bagamat uulanin pa rin ngayong araw ay unti- unti na umanong magkakaroon ng improvement sa lagay ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *