Ilang mga benepisyo at tulong ng OWWA Bicol sa mga kaanak ng bicolanong OFW na sinunog at nakuhang patay sa isang disyerto sa Kuwait, inilahad

Nagbigay ng pahayag ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol tungkol sa pinakahuling update sa proseso ng pagbibigay hustisya sa kaso ng isang Bicolanong OFW na sinunog at nakuhang patay sa isang disyerto sa Kuwait.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay OWWA Bicol Labor Communication Office Via Dometita, inihayag niyang ang pambansang pamahalaan ay nagbigay na ng legal assistance upang gumulong ang kaso ng nasabing OFW na kinilalang si Jullebee Ranara sa Kuwait.

Nais naman umano ng gobyerno na tulungan at magbigay ito ng suporta lalo na pagdating sa usaping legal nang mabigyan ito ng hustisya.

Aniya, sinagot ng OWWA ang gagastusin sa trasportasyon ng kanyang mga kapamilya sa Polangui, Albay papunta sa Maynila at pabalik sa kanila.

Maliban pa rito, may kapatid umano ang biktima sa Malaysia at umuwi naman sa tulong ng OWWA. Bukod pa rito, may binigay din umano ang ahensya na death and burial benefits na nagkakahalagang PHP 220,000; at ang mga anak ng biktima ay magiging scholar nila; maging ang asawa nito ay bibigyan din ng livelihood assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *