Ilang mga bumibisita sa sementeryo inagahan ang punta bago pa man ang mismong araw ng Undas

CAMARINES NORTE – Inagahan ng ilang mga kaababayan ang pagbisita sa sementaryo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na yumao.

Kahapon sa bisperas ng Undas ay bumisita na ang ilan pagkatapos ng mga abalang araw dahil sa katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Hindi nga nagpapigil ang ilan sa maghapong ulan pero kapansin-pansin na mas kakaunti ito kumpara noong nakaraang taon.

Sa Basud Catholic cemetery ay may mangilan-ngilan nang bumisita para maglinis sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na yumao.

Nakalatag na rin ang ilang mga paninda sa bungad pa lamang ng sementeryo tulad ng kandila, bulaklak at maging ang ilang mga nagtitinda ng kung ano-ano.

Nakapwesto naman sa labas ang ilang mga kawani ng Bureau of Fire Protection at force multiplier at mayroon na ring mga signages sa kalsada.

Habang sa St. Raphael Memorial Park sa naturan pa ding bayan ay may mangilan- ngilan na ring mga bumibisita.

Nakapwesto naman sa labas ang booth ng BFP, PNP at medical team katuwang ang mga force multiplier.

Habang sa may Daet cemetery naman ay nakapwesto ang motorist assistance center ng Department of Public Works and Highways at sa hindi kalayuan ay ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office personnel at BFP fire truck. Naglagay na rin ng mga plastic barriers at lubid sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *