Ilang mga establishments at resort nakitaan ng IMT ng hindi maayos na pagpapatupad ng Health Standard Protocols

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng paglilibot ang IMT Task force on monitoring nitong weekend sa ilang mga establishments at resorts upang tiyakin ang mga itong sumusunod sa ipinapatupad na health standard protocols kontra COVID-19 sa probinsya

Base sa ulat sa operation period briefing ni G. Randy Naing ng Emergency Operation Center ng IMT, ilang mga establishments at resorts mula sa mga bayan ng Paracale, Labo, Talisay, Vinzons, San Lorenzo Ruiz at Mercedes ang lampas sa dapat na 50% lamang sa mga client accommodation

Habang ang ilan naman ay hindi updated ang health checklist manifest o hindi properly guided ang mga naglilista ng local tourist

Sarado naman ang mga resorts sa Gumaus Paracale batay na rin sa abiso ng Lokal na Pamahalaan maliban sa Candelaria resort na ang sinusunod daw ay ang guidelines ng Provincial IMT

Bunsod nito, hiniling ng Provincial Tourism Operations office sa Provincial Monitoring Team para sa pagtukoy sa mga tourism establishments, hotels and resorts pati na ang kanilang accommodation capacity

Habang tiniyak naman ni Provincial tourism Office ang pagkakaroon ng lingguhang assessments sa mga tourism related establishments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *