Ilang mga estudyante tumawid sa abot dibdib na baha sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Lakas loob na tinawid ng mga estudyante ang abot dibdib na tubig baha sa Siruma Camarines Sur.

Nangyari ito bandang alas nuebe ng umaga kahapon Enero 17, 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Cyril Barbosa, sinabing hindi nila inaasahan ang halos tatlong oras na walang tigil na pag-ulan.

Hiling ni Barbosa sa mga barangay officials na mas igihan ang monitoring upang mabilis din na nakakapag update sa MDRRMO.

Ayon kay Edmundo Gamora Armienta Jr , ang school head ng Fundado National High School , alas- 9 pa lamang nag suspended na ang klase , hindi na sila naghintay pa ng mula kautusan mula sa LGU at PDRRMC dahil baka lumala pa ang sitwasyon.

Kanina humupa ang baha na mula sa mga sapa, lifted na rin ang class suspension ng LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *