Ilang mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon, pasok sa regional search for Ten Outstanding 4Ps Bicolano Youth 2024 ng DSWD Bicol

BNFM BICOL- PASOK ang 25 na kabataan mula sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon sa pagkilala ng DSWD Bicol na 2024 Regional Search for Ten Outstanding 4Ps Bicolano Youth (RSTOBY).

Matapos ang mabusising deliberation at validation ng mga aplikante ay kwalipikado ang 9 na kabataan mula sa probinsya ng Albay, 5 mula sa Camarines Norte, 6 mula sa Camarines Sur, 3 mula sa Masbate, at 1 naman sa Catanduanes at Sorsogon.

Ang mga kabataan na ito ay sasailalim sa final phase ng regional search na Online Panel Interview na gaganapin sa Agosto 13-14 kung saan pipiliin na ang mga nararapat gawaran ng pagkilala bilang mga natatanging mga kabataang 4Ps sa Bicol. ###  Pauline Manga, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *