NAGA CITY –May ilang mga kandidato sa paaparating na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Camarines Sur ang nagwithdraw ng kanilang kandidatura sa Commission on Election, kinumpirma mismo ito ni Atty. Juliebeth Salvadora, ang Communication Officer at Focal person sa pagharap sa media.
Karamihan sa mga nag withdraw ay mula sa mga kandidato sa pagka punong barangay at sa Sangguniang Barangay.
Ang Camarines Sur ay may 1,063 barangay at ang mga nagsumite ng COC ay nasa mahigit 37,000 at nabawasan na ang bilang na ito.
Sa pakikipag-usap sa media at sa Brigada News Fm Naga kay Atty. Salvadora,sinabi nitong hindi na sila nagtaka pa na may nag-withdraw dahil sa ilang mga dahilan ng mga ito at problemang kinakaharap.
Kabilang sa dahilan ng pag-atras ng ilan ay tungkol sa isyu ng pinansiyal at educational attainment.
Samantala, nabanggit pa ng opisyal na may ilang barangay sa Tinambac at Siruma ang kinokonsidera nilang area of concern dahil na rin sa isyu ng insurgency.