Ilang mga opisina sa Olongapo nagpatupad na rin ng No Vaccine No entry

Nagpatupad na rin ang ilang mga opisina sa Olongapo City ng No Vaccination Card No Entry.

Ito ay kasunod ng pagsasailalim sa lungsod sa mas mataas na alert level system dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng virus transmission.

Simula araw ng Myerkules, ang Olongapo Electricity Distribution Company ay maghahanap na ng vaccination card with valid ID sa lahat ng may transaksyon sa kanilang opisina.

Pinapayuhan naman ng OEDC ang mga consumers na may concerns na tumawag sa kanilang hotlines habang sa mga magbabayad naman ay mayroon ring mga accredited collection partners.

Samantala, ang Land Transportation Office Region 3 ay naglabas na rin ng kaparehong abiso para sa mga pupunta sa lahat ng opisina ng LTO na nasa Alert Level 3 areas kabilang na dito ang sa Olongapo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'MAXAN Mangosteen Xanthone MAXAN Xanthone Mangosteen 10 U MAXAN Shop Shopow! now! Ϲογγεε Blend Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published.