Ilang mga paaralan at LGUs sa Albay, nakiisa sa isinagawang 1st quarter nationwide simultaneous earthquake drill

LEGAZPI CITY – Nakiisa ang ilang mga paaralan at lokal na mga pamahalaan sa lalawigan ng Albay sa isingawang 1st quarter Mationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon, Marso 9.

Ilan sa mga paaralan na ito ay ang Bicol University, Tabaco Northwest Central School, Dap-Dap Elementary School, Mary’s Child Science Oriented School ng Daraga at Maynaga Elementary school ng Polangui.

Sumama rin sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Bicol, Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol, LGUs ng Manito at Sto. Domingo ng kaparehong lalawigan.

Matatandaang inilipat ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol sa ibang araw ang aktibidad sa rehiyon matapos magkaroon ng transport strike at magsuspinde ng face-to-face classes ang mga paaralan, kung kaya ilan lamang ang sumali kahapon na orihina na itinakdang araw ng aktibidad sa nasyunal na lebel.

Samantala, nakatakda naman itong gawin ng iba pang mga paaralan at ahensya, maging ng mga LGU sa Marso 16. | MARK ANDREW PORTUGAL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *