Ilang mga pasyente sa ospital sa Masbate, nagpanic matapos mulingmakaranas ng lindol kahapon

Muling nakaranas ng lindol ang lalawigan ng Masbate kahapon ng umaga kung kaya’t marami ang natakot dahil sa mga naranasang aftershocks.

Ayon kay Dr. Adonis Dilao, ang head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng nasabing lalawigan, ilan sa mga pasyente sa ospital ay nagpanic muli matapos makaranas muli ng pagyanig.

Aniya, mas nanaisin ng pasyenteng manatili sa tent na ibinigay ng PDRRMO at LGU.

Tanging problema ng opisina ay hindi lahat ng pasyente ay mabibigyan ng folding bed para sa kanilang kaligtasan.

Hindi rin ito mapilit ng mga doktor na manatili sa loob ng ospital dahil 4-storey rin ang gusali, kung saan bumababa ang mga ito kapag nakakaranas ng lindol.

Samantala, may mga gusali na ring nagkaroon ng bitak sa sentro ng Masbate.

Inabisuhan na rin ang mga may ari ng business establishment na lisanin muna ang kanilang gusali upang maiwasang mayroon ng mga aksidente.

Ayon pa kay Dilao, may mga iilan na ring kabahayan na nasira o “partially damaged” malapit sa epicenter ng lindol. Sa ngayon, pinalawig ang suspension ng mga pasok ng mga empleyado at ng mga mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan dahil sa mga aftershocks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *