Ilang mga produkto sa Kadiwa Pop Up Store sa Olongapo maagang naubos

Maagang naubos ang ilang mga produkto kaninang umaga sa huling araw ng Kadiwa Pop Up Store sa Marikit Park, Olongapo City.

Kabilang dito ang goat meat na maaagang pinilahan ng mamimili at pati na rin ang bigas na nasa 35-45 pesos lamang kada kilo.

Mayroon ring iba’t ibang gulay na ani mismo ng mga magsasaka sa lungsod at mga prutas.

Ang Kadiwa ay nagsimula nitong nakalipas na Huwebes at natapos ngayong araw ng Sabado.

Layon ng City Agriculture Office na matulungan ang mga magsasaka at maliliit na negosyante na makapagbenta kaagad ng kanilang mga produkto at ang mga consumers naman ay makabili nito sa mas mababang presyo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *