Ilang mga residente ng Oriental, Mindoro nabahagian ng tulong pangkabuhayan

Namahagi ng tulong pangkabuhayan ang Department of Social welfare and Development o DSWD MIMAROPA, para sa ilang mga residente sa lalawigan ng oriental Mindoro.

Ito ay sa ilalim ng programang Sustainable Livelihood Program ng DSWD, kung saan umabot sa P3,075,000.00 halaga ang naipamahagi.

Nakinabang sa naturang programa ang nasa 205 na benepisyaryo na mula sa tatlong bayan ng Bongabong, Pinamalayan, at Calapan, ng nasabing lalawigan.

Kabilang sa mga benepisyaryo nito ang mga PWDs, senior, solo parents, magsasaka, mangingisda, at walk-in referrals.

Nabatid na layon ng programang ito na maiangat ang antas nang pamumuhay ng mga Pilipino sa larangan ng pag tulong na may kaugnayan sa iba’t-ibang serbisyo gaya ng pagbibigay ng mga negosyo at trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *