Papasok ka ba kung ang kaklase mo ay isang robot?
Dahil sa lumulubong bilang ng mga kaso ng bullying sa mga paaralan sa bansang Japan maraming mga estudyante roon ang mas pinipili na lamang na lumiban sa klase.
Ang iba naman ay mas pinipiling umabsent dahil sa usapin sa mental health.
Kaya naman para masagot ang napapanahong mga problemang ito, may isang lungsod sa nasabing bansa ang nagbabalak na maglatag ng mga robot sa mga paaralan para hikayatin ang mga mag-aaral na pumasok at mag-aral.
Ang mga robot ay may kakayahan makipaghalubilo sa mga estudyante na parang mga tunay na tao.
Inaasahan na ngayong darating na Nobyembre, sisimulan ang pagpuwesto ng mga robot sa mga paaralan para matuldukan ang absentism sa naturang bansa. #### KENNETH BERMIL