Pinag-usapan ng Department of Public Works and Highways at Department of Education ang ilang mga usaping may kaugnayan sa School Building Program.
Ito ay sa isinagawang pagpupulong nakalipas na Martes ng mga kinatawan ng dalawang kagawaran mula sa Cordillera Administrative Region, Region I, II at III sa Clark Freeport, Pampanga.
Kabilang sa pangunahing pinag-usapan ay may kinalaman sa mga isyu ng pagpapatupad ng educational infrastructure ng national government.
Pinangunahan ang inter-agency coordination meeting niDPWH Undersecretary for Operations of Convergence Projects Antonio Molano, Jr. at Engr. Annabelle Pangan ang Chief of Education Facilities Division of DepED.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DPWH Region III
