Ilang motorista sinita ng PNP HPG dahil sa paglabag sa Child Safety in Motor Vehicles Act

CAMARINES NORTE- Nasita ng mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang ilang motorista dahil sa paglabag sa Child Safety in Motor Vehicles Act.

Nagsasagawa ng Anti carnaping at Oplan Sita ang HPG Biyernes ng umaga, April 14 sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Pamorangon dito sa bayan ng Daet nang parahin ang ilang sasakyan at sitahin dahil sa hindi ligtas na pagsasakay ng mga ito ng bata.

Bukod kasi sa dapat na paglalagay ng “child restraint system” sa mga sasakyan ang mga motoristang magsasakay ng bata, nakasaad naturang batas na bawal paupuin sa tabi ng driver ng kotse ang mga batang edad 12 pababa, o may taas lang na 4┬┤11 o mas maliit pa.

Malinaw umanong nakasaad ito sa Republic Act 112291 na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Sinasabing ang passenger seat na katabi ng driver ang pinakamapanganib na puwesto sa sasakyan.

Kapag nagkaroon kasi ng biglaang pag preno ng sasakyan ay pwedeng madala ang nakaupo dito lalo na kung hindi naka seatbelt at magtuloy- tuloy sa windshield.

Ipinag-uutos din sa batas na kailangang may child restraint system ang batang pasaherong nakaupo sa likod ng sasakyan at hindi lamang seatbelt.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, nababawasan ng 70 porsiyento ang panganib sa pagkamatay ng mga sanggol at hanggang 80 porsiyento naman sa mga bata, na nasasangkot sa mga road crash kung gagamit ng mga child restraint tulad  ng seat belt, car seat, booster seat at car bed.

Sa natuwang operasyon kung saan katuwang  ang mga local traffic enforcer ay marami ring nasitang motorist dahil sa hindi pagamot ng seatbelt.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *