Ilang myembro ng WPL Zambales Chapter nagtipon kanina, taas pasahod panawagan

Nagtipon-tipon ang ilang myembro ng Worker’s for Peoples Liberation Zambales Chapter kaninang maaga sa may 1st Gate ng Subic Bay kasabay ng Bonifacio Day.

Panawagan ng grupo ang omento sa sahod ngayong tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Dwight Bautista ng WPL, nakapaghain na rin umano ang kanilang grupo sa Department of Labor and Employment ng panawagan para sa mga manggagawa.

Aniya, mula sa pamasahe ngayon at maging presyo ng isda tulad ng galunggong ay tumataas kaya ang kanila umanong tanong ay kung hanggang saan aabot ang 450 kada araw na pasahod tulad sa Central Luzon.

Panawagan umano ng grupo na habang pinag-uusapan ng mga ahensya ng gobyerno ang living wage ay magbigay ng subsidiya tulad ng cost of living allowance na maaaring idagdag sa sweldo ng manggagawa.

Ito ay para makadagdag sa pangangailangan sa kasalukuyang sitwasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *