Ilang natalong kandidato sa pagka Punong Barangay sa tatlong Barangay ng Basud naghahanda nang magpa-recount makaraang matalo lang ng isa at dalawang boto

CAMARINES NORTE – Kinumpirma ng Commission on Elections sa bayan ng Basud, Camarines Norte na mayroong tatlong natalong kandidato sa pagka Punong Barangay ang naghahanda nang magpa recount.

Ito ay makaraang matalo lang ang mga ito ng isa at dalawang boto nang nanalong Punong Barangay.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Municipal  Election Officer III Annelyn Abanes, kinumpirma nito na humingi na sa Comelec ng certificate of canvass and proclamation ang mga ito na gagamitin sa election protest.

Hindi binanggit ni Abanes kung anong mga barangay ito.

Pero batay sa resulta ng katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, kabilang sa mga Barangay na โ€œhighly contestedโ€ ang resulta ng bilangan ay ang Barangay Langga kung saan lumamang lang ng isang boto ang incumbent Punong Barangay na si Ela Bucsit kontra kay Luz Lis.

Isang boto lang din ang lamang ni incumbent Punong Barangay Arnel Bayani ng Hinampacan sa katunggali nitong si Sharon Felomino.

Dalawang boto naman ang lamang ni Julio Soria na nanalong  Punong Barangay ng Mangcamagong kontra sa incumbent na si Elmer Ferera.

Gayunman โ€œgenerally peacefulโ€ naman daw ang katatapos lang na BSKE. Naibigay na rin sa mga gurong nagsilbing Electoral Board ang kanilanng honorarium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *