Ilang obstruction sa Poblacion area ng Mercedes binaklas ng road clearing team

CAMARINES NORTE- Binaklas ng road clearing team ang ilang mga obstruction sa kalsada sa Poblacion area ng Mercedes, Camarines Norte.

Ito ay bilang pagtalima sa Memorandum Circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tanggalin ang anumang struktuturang nakakasagabal sa trapiko at pedestrian.

Pinangunahan ng DILG , PNP, Brgy. Officials, Engineering Department  at Public & Safety Office ang pagsasagawa nito.

Ayon sa Municipal Information Office ng LGU- Mercedes, maraming beses na pinadalhan ng notice ang mga may-ari ng illegal na struktura pero marami pa rin ang nakitang hindi sumunod dahilan para ang mismong clearing team na ang magbaklas.

Sinimulan ang road clearing operations sa may bahagi ng Brgy. San Roque hanggang sa kahabaan ng Eco Avenue ,Brgy. 3.

Babala ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng mga nagtatangkang lumabag o sumuway sa kaatasang ito na posibleng maharap sila sa ligal na usapin.

Nangako ang LGU na magpapatuloy pa ang road clearing operations sa mga barangay at ito umano ay regular at tuloy- tuloy na gagawin hangga’t may nakikitang paglabag

Ayon naman kay DILG Provincial Director Melody Relucio, maaaring maharap sa kasong administratibo ang isang Local Chief Executive kung hindi nito ipapatupad ang ordinansa sa road clearing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *