Ilang OFW sa Israel, walang planong umuwi sa ‘Pinas sa kabila ng kaguluhan


KORONADAL CITY — SA kabila ng kaguluhan sa bansang Israel, walang planong umuwi ng Pilipinas ang iilang mga Overseas Filipino Workers o OFW na nagtatrabaho sa nabanggit na bansa.


Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Elvie Selario Aviador, isang OFW sa Israel na taga-Koronadal, sinabi nito na hindi na bago sa kanila ang nararanasang kaguluhan sa pagitan ng Israeli at Palestinians at sanay na sila rito.


Ayon kay Aviador na limang taong nagtatrabaho bilang caregiver sa Israel, madalas umanong nangyayari ang kaguluhan sa buwan ng Ramadan.
Isa umano sa mga dahilan nito ay ang agawan ng teritoryo.


Sa ngayon, nananatili umanong ligtas ang kanilang kalagayan sa nabanggit na bansa at wala silang planong umuwi sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *