Ilang opisyal ng jeepney operators and drivers associations na biyaheng Mercedes-Daet nakipagpulong sa tanggapan ni Mayor Pajarillo

CAMARINES NORTE – Nakipagpulong kay Mayor Alexander Pajarillo ang ilang opisyal ng Mercedes Jeepney Operators & Drivers Association kaugnay pa rin sa naging resulta ng pakikipag usap nila kay Governor Ricarte “Dong” Padilla at sa harap ng mga kinatawan ng LGU Daet at ilan pang ahensya kamakailan.

Batay sa napag-usapan muling ibabalik ang biyaheng Mercedes- Daet vice versa sa  dati nitong terminal hanggang  sa katapusan nitong taon.

Pero sa sulat ng samahan kay Daet Mayor Benito Ochoa kanilang hinihiling na sana ang palugit na ibigay sa kanila ay wag lang  hanggang sa katapusan ng taong ito  sa halip ay hanggang sa ipatupad  na lang  ng gobyerno ang Public Utility vehicle Modernization Program ( PUVMP) sa lalawigan.

Ang sulat na ito sa Alkalde ng Daet ay may kalakip namang endorsement letter mula sa tanggapan ng Alkalde ng Mercedes.

Tiniyak naman ng LGU Mercedes na patuloy itong makikipagtulungan sa grupo at iba pang ahensiya ng gobyero upang matuldukan ang problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *