Ilang palayan sa Calabanga Camarines Sur pinasok ng tubig dagat

NAGA CITY – Maraming palayan sa Calabanga, Camarines Sur ang nalubog sa tubig-dagat dahil sa malakas na alon sa kasagsagan ng pagkakaroon ng sama ng panahon noong nakaraang mga araw.

Ang mga palay ay mga namatay dahil sa tubig-alat, batay na rin sa reklamong ipinarating ng mga ito sa lokal na pamahalaan. Kabilang sa may ganitong sitwasyon ay ang malalawak na palayan sa Barangay Sto. Domingo, San Roque at magkakaratig pang lugar.

Nagkaroon ng konsultasyon sa mga ito na pinangunahan ni Muncipal Councilor Adonis Aguilar Jr. ang committee chair ng agrikultura sa konseho.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Aguilar, ipinaliwanag niya ang agad  na naging aksyon ng kanyang opisina, ng Municipal Agriculture Office at ng opisina ni Mayor Eugene Severo. Ayon sa konsehal kabilang sa solusyon na napag-usapan nila ay ang paglalagay ng sako-sakong lupa sa paligid ng palayan para mahadlangan ang pagpasok ng tubig-dagat at maiwasan na bahain ito.

May mga kanal at irigasyon na rin silang pinapatingnan sa lugar. Bago pa ang insedenteng ito, ang mga magsasaka ay nakatanggap ng fertilizer voucher na makakatulong nila sa muling pagsisimula ng pagtatanim ng palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *