Ilang pangunahing bilihin, bahagyang nagtaas ang presyo ayon sa DTI-ISABELA

Nakitaan ang pagtaas sa presyo ang ilang pangunahing bilihin sa City of Ilagan matapos ang isinagawang price and supply monitoring ng Department of Trade and Industry Isabela Provincial Office Consumer Protection Division.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nagsagawa ang ahensya ng monitoring sa 20 pangunahing tindahan sa lunsod ay ilan sa nakitaan ng kaunting pagtaas sa presyo ay kinabibilangan ng mga de lata (canned goods), sabong panlaba, toilet soaps at instant noodles.

Ayon pa sa ahensya karamihan naman sa regular na sinusuring produkto ng DTI ay pasok umano sa Suggested Retail Price (SRP).

Isa umano sa nakikitang dahilan ng bahagyang pagtaas ng presyo ay ang pagbabago ng acquisition costs ng mga nasabing produkto.

Bukod dito ay pinaalalahanan naman ng Monitoring Team ang mga may-ari ng mga grocery stores na sumunod pa rin sa Price Act, Fair Trade Laws at iba pang mga batas kalakal na ipinapatud ng DTI.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang monitoring activity ng DTI-Isabela upang masigurong sapat ang suplay at tama ang presyo ng mga produktong sakop ng ahensya sa lalawigan ng Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *