Ilang personalidad , nanawagan na igalang ang mga service workers matapos mag viral ang cake icing-smearing video ni Alex Gonzaga

Ilang personalidad ang nanawagan na igalang ang mga service workers matapos makita ang vlogger-actress na si Alex Gonzaga na pinahiran ng cake icing ang noo ng isang server sa kanyang advanced 35th birthday party.

Ibinahagi ng content creator na si Dani Barretto noong Lunes ang isang clip of the moment sa kanyang Instagram Story kung saan binigyan ang vlogger ng isang tray ng chocolate cake na may mga nakasinding kandila.

Makikitang nakatayo sa likuran niya si Lipa City Councilor Mikee Morada ang asawa ni Alex habang kumakanta ang ibang dumalo bago niya hinipan ang kandila. Pagkatapos hipan ni Alex ang kandila, ipinatong ang palad sa ibabaw ng cake at saka tuwang-tuwa itong pinunas sa noo ng server na may hawak na tray ng cake.

Saglit na napalingon ang server habang si Alex at ang iba ay maririnig na nagsisigawan. Ang clip ay muling ibinahagi ng isang gumagamit ng Twitter at nakakuha ng 4.9 milyong view sa ngayon.

Ang video ay nakarating sa ilang personalidad na nagpahayag ng kanilang pagbatikos sa insidente at nanawagan na igalang ang mga server.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *