Ilang Pilipino, nababahala na baka hindi na nila makayanan ang mga basic needs sa 2023

Nababahala ang ilang mga Pilipino na hindi na nila makakayanan ang mga basic needs sa unang quarter ng susunod na taon.

Sa “Executive Summary Pahayag 2022 End of the Year Survey” ng independent pollster Publicus Asia, lumalabas na 17% ng mga respondents ang nagsabing ang kanilang pangunahing pangamba ay ang pagpasok ng bagong taon na hindi na ma-aafford ang basic needs, habang 14% naman ng mga respondents ay concerned kaugnay sa hirap na makahanap ng trabaho.

Ang pagkawala ng trabaho, at hindi mabayaran ng tamang sahod ang sumunod na nakakuha ng 12% ng mga boto.

Ang iba pang concerns gaya ng pagkahawa sa seryosong mga sakit at hindi makakakuha ng health services ay nakatanggap ng 6% hanggang 9% ng lahat ng mga boto.

Sa kaparehong survey, lumalabas na nais ng mga Pilipino na tutukan ng Marcos administration ang pagpapaganda sa ekonomiya, kung saan 25% ng mga respondents ang nagsabing ang ekonomiya ang pinakamahalagang isyu na dapat tugunan ni President Ferdinand Marcos Jr., sinundan ng mga presyo at inflation sa 16%. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *