Ilang pulis umano ang nagsilbing mga spotters sa mga suspek sa pagpatay sa Negros Oriental.
Sa isang press conference, sinabi ng Atty. Levito Baligod na ito ay batay sa mga pahayag ng mga testigo. Si Baligod ang legal counsel ng pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Dagdag pa niya, nasa Negros Oriental pa rin ang mga pulis na ito.
Bago ang pag-atake kay Degamo, sinabi ni Baligod na mayroon pang 64 na pamamaslang ang nangyari sa lalawigan.

Samantala, sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sususpindihin sa tungkulin ang mga mapapatunayang sangkot na pulis.//CA