Matagumpay na naisagawa ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang kanilang bayanihan effort na ‘Medical Mission with Optical, Dental and Family Planning Services’ sa Sitio Kabatuhan Covered Court, Brgy. Gen. T. De Leon bilang pakikiisa sa pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Nagsimula ang pagpaabot ng libreng serbisyong medikal sa dalawang libong residente ng nasabing lungsod kaninang alas otso ng umaga hanggang ngayong alas kwatro ng hapon.
Maalala, nag-anunsyo rin kahapon ang Malabon LGU tungkol sa pagkakaroon ng ‘Malabon Ahon Medical Mission- Handog sa Kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.’.
Ilan naman sa mga libreng serbisyong pangkalusugan na hatid dito ay family planning program, adolescent health program, nutrition program at national immunization program.