Ilang residente sa Sorsogon, nag-evacuate dahil sa muling pagsabog ng Mt. Bulusan

Nag-evacuate ang ilang mga residente sa bayan ng Bulusan sa Sorsogon dahil sa muling phreatic eruption ng Bulkang Bulusan nitong Linggo bandang 3:37 ng umaga.

Kabilang sa mga ito ang nasa 37 na mga bata at senior citizens kung saan nakatira sila 4 na kilometero ang layo sa radius danger zone ng bulkan.

Ayon kay municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) of Bulusan Head Ken Marc Ragasa, nakapwesto na ang mga response vehicle at supplies sa area para sa mga apektadong pamilya doon.

Samantala, nakataas pa din ang Alert Level 1 sa lugar dahil sa kasalukuyang lagay ng naturang bulkan.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *