Nananawagan ang ilang mga rice retailer sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa ilang mga nagbebenta ng bigas na hindi naisama sa listahan ng mga makatatanggap ng subsidy.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Orlando Manuntag, Co-Founder ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement o PRISM, sinabi nito na hindi pa rin nakatatanggap ang ilan sa kanilang mga kasamahan ng ayuda mula sa DSWD na batid nilang hindi naman kakayaning pagsabay-sabayin.
VC_MANUNTAG_ WALA PANG AYUDA
Ayon kay Manuntag na siyang ring CEO ng Goldmine Farm to Market, marami sa kanilang kasamahan ang hindi naabutan ng tulong pinansyal dahil saw ala silang permit bilang rice retailer dahil karamihan sa kanila ay mayroon din iba pang ibinebenta.
VC_MANUNTAG_ GEN. MERCHANDISE
Kung maalala, ipinamamahagi ng DSWD ang one-time ayuda na P15,000 para sa mga apektadong retailers ng bigas dahil sa ipinatupad na Executive Order No. 39 na rice cap na inaaral naman ng ahensya kung madadagdagan pa ito.