Ilang section sa opisina ng DENR sa bayan ng Daet nananatiling sarado para sa disinfection

CAMARINES NORTE- Sarado ang ilang section sa opisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Barangay Pamorangon dito sa Daet, simula noong Miyerkules hanggang sa kasalukuyan.

Nakapaskil sa gate ng naturang opisina ang isang anunsiyo publiko.

Ayon dito, ang DENR PENRO ay pansamantalang hindi muna tatanggap ng anumang transaksyon sa Regulatory and Permitting Section gayundin sa Records Unit at Cash and Collection Unit upang bigyang daan ang disinfection.

Sa text message sa Brigada News FM Daet ni PENRO Marlon Francia mayroon daw kasing close contact sa isang section ng naturang opisina na ngayon ay naka- quarantine na.

Agad rin naman daw nag disinfect noong Miyerkules ng hapon kaya’t isinara ang opisina at kada weekend ay mayroong house disinfection.

Sa ngayon bagamat bukas ay limited face to face na muna  at wala pang anunsiyo kung kalian ulit magiging available ang serbisyo ng affected sections

Hanggang sa receiving area lang daw muna ang transaksyon dahil limitado rin ang processing.

Patuloy naman ang paalala ng mga kinaukulan sa publiko na sundin ang minimum health standards kontra COVID- 19 tulad ng pagsusuot ng face mask, at face shield, social distancing at plagiang paghuhugas ng kamay.

Importante umano ang pagsunod sa health protocols lalo’t may mga naitala nang variants of concern sa lalawigan.

Sa datos ng Deparment of Health, mayroon nang 24 na Delta at 7 Beta variants sa Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *