Ilang senador, aprub sa appointment kay dating SFA Locsin bilang special envoy sa China

Suportado ng ilang mga senador ang pagkakatalaga kay ex-DFA Chief Teodoro Locsin Jr. bilang special envoy ng Presidente sa China upang maisaayos ang ugnayan ng Pilipinas dito lalo na sa umiinit na iringan sa teritoryo ng West Philippine Sea.

Ayon kay Senador JV Ejercito, naniniwala siyang “best one for the job as special envoy” si Locsin dahil na rin sa mga naging karanasan nito bilang Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary, lawyer at former legislator.

Dagdag pa niya, kilala rin ito bilang “troubleshooter” noong naglilingkod pa ito sa DFA.

Samantala, nakikita naman ni Senador Chiz Escudero si Locsin na “competent”, “capable” at ang pinakaimportante sa lahat ay na-eenjoy nito ang “trust” at “confidence” ng pangulo sa kanya.

Kinilala naman din ng senador ang inisyatibang ipinakita ng pangulo sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa paggigiit sa ating teritoryo.

Kung maalala, tumayong Philippine Ambassador nitong Agosto ng nakaraang taon si Locsin sa United Kingdom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *