Ilang senador, isinusulong ang mga panukalang magbibigay ng maraming trabaho sa Pilipinas

Hinimok ng mga senador ang gobyerno na paigtingin ang mga programa na naglalayong magbigay ng local employment, upang mas maraming mga overseas Filipino workers (OFW) ang mas pipiliin nang manatili sa Pilipinas sa halip na mangibang-bansa.

Giit ni Senator Sherwin Gatchalian, na ang kalunos-lunos na pagpatay sa Pinay na si Jullebee Ranara sa Kuwait, ay dapat mag-udyok sa administrasyong Marcos, na isulong at hindi lang paigtingin ang ekonomiya ng Pilipinas, para wala nang kababayan ay aalis ng bansa.

Dagdag ni Gatchalian, na ito din ang pangunahin nilang iniisip sa pagsusulong para amyendahan ang Foreign Investments Act and Retail Trade Liberalization Act para makahikayat ng mas maraming international investors na magtayo at lubusang magmay-ari ng mga domestic enterprises sa bansa, na kalauna’y magbibigay ng mas maraming trabaho.

Samantala, muli ding isingit ni Sen. Joel Villanueva ang pagsusulong sa kanyang Senate Bill No. 129 o ang proposed “Trabaho Para sa Lahat ng Pilipino Act” na magtatatag ng National Employment Action Plan (NEAP) na magtatakda ng direksyon para sa pagbuo ng trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *