Ilang senador, nanawagan ng consistent messaging pagdating sa face shield policy

Nanawagan ang ilang senador sa Executive Department na maging consistent ito sa paglalabas ng mga pahayag kaugnay sa mga polisiya sa COVID-19.

Ito ay matapos magpaiba-iba ang announcements ng mga opisyal ng gobyerno kaugnay sa paggamit sa face shileld.

Sa isang video statement ay sinabi ni Senator Joel Villanueva na “multi-faceted” ang mga polisiya ng gobyerno.

Sinabi ni Villanueva na hanggang maari ay dapat paulit-ulit ang announcement ng gobyerno tungkol sa facemask dahil magdudulot lamang ito ng kalituhan sa publiko.

Inihayag ni Villaneuva na kaya ng law enforcers na ipatupad ang direktiba ng gobyerno kung magiging mas malinaw ang iaanunsyo na polisiya.

Kaugnay nito ay nanawagan rin si Senator Nancy Binay nang hindi lamang consistency sa mga announcement kungdi pati na rin sa compliance ng national leaders sa nasabing patakaran.

Iginiit ni Binay na meron disconnect sa messaging kung irerequire ang mga ordinaryong mamamayan na magsuot ng face shield habang hindi ito sinusunod ng mga opisyal ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *