Nagtataka ang ilang mga Senador sa hinihiling ngayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) na P1B na halaga para sa pagbili ng mga gensets sa Ninoy Aquino Interational Airport (NAIA).
Ayon kay Senate Finance Committee chair Senador Sonny Angara – isang crucial infrastructure ang naturang kahilingan ng MIAA.
Ang nakapagtataka raw kasi ay kung bakit hindi naman ito ni-request ng tanggapan noong inaakda pa ang National Budget matapos ang SONA.
Ito rin ang naging sentimyento ni Senate Public Services Committee chair Senadora Grace Poe.
Sabi ni Poe, kung hindi ito naisip ng mga Airprot officials – malinaw lang daw na may ‘remiss’ sa kanilang mga tungkulin.

Dapat din umanong alamin kung bakit hindi nagawa ang mga recommendations sa isinagawang 2017 full electrical audit.
Sa huli, sinabi ni Poe na kung siya ang tatanungin – hindi sabotahe ang naging rason sa magkakasunod na aberya sa NAIA.
Bago ito, una nang sinabi ng Transportation Department na makikipag-ugnayan na sila sa National Intelligence Coordinating Agency o NICA para alamin ang posibilidad ng sabotage sa magkakasunod na isyu ng ating mga paliparan. // LGD edited MPT